Thursday, August 4, 2011

016: ohmayhigad

aaminin ko na ang nilu-look forward ko tuwing nakakatakbo ako sa umaga ay yung pag magpapahinga na ako sa ilalim ng puno. tagaktak ang pawis habang nakikinig ng Up Dharma Down o Dishwalla o Switchfoot. Yung tipong unting hangin lang ramdam na ramdam mo dahil nga sa pawis mo. Tapos ramdam na ramdam mo yung pagkakaiba ng nasa lilim ka na kesa yung kaninang naaarawan ka.

Pero kanina may kasama akong apat na higad.

Sa ngayoooon, hindi pa naman ako nangangati. Wah may presentation pa naman ako mamaya.

Katihin na ako sa hipon wag lang sa higad.

Oh my hipon.

No comments: